Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Mga Sistemang Pangkontrol
ng Pantimbang at Pagsukat

Nag-uugat ang pinagmulan ng Kubota sa “pantimbang at pagsukat.” Noong 1890, nagsimula ang kumpanya sa paggawa ng mga minoldeng bakal na talaro para sa mga timbangan. Noong 1924, nagkaroon kami ng lisensya para sa paggawa ng mga timbangan. Pinalago namin ang aming negosyo at nagsama kami ng mga mechanical platform na timbangan. Simula noon, nagtuloy-tuloy na ang negosyo sa “pantimbang at pagsukat” at umunlad ito sa loob ng 90 at higit pang taon.
Palagi kaming nangunguna sa teknolohikal na pag-unlad upang suportahan ang magkakaibang pangangailangang pang-industriya sa pantimbang. Ang Kubota, na nag-aambag sa pag-unlad ng husay ng pagkakagawa sa Hapon, ay kilalang-kilala sa loob at labas ng bansa para sa mga kagamitan at sistema na gumagamit ng mga premyadong teknolohiya sa pantimbang at pagsukat sa praktikal na paggamit. Partikular dito, ang mga natatanging produkto gaya ng gravimetric feeder na “NX Feeder Serye” at plastic pellet screening system na “Super PLATON Serye” ay naging bagong trend sa linya ng produksyon.
Patuloy na magsusumikap ang Kubota sa pagbibigay ng makabagong teknolohiya para sa timbang at kontrol na lumalampas sa mga inaasahan ng customer.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Mahigit 10,000 Order mula sa Mahigit 10 Bansa sa Buong Mundo

Unang-una ang Kubota sa Hapon sa paggawa ng loss-in-weight feeder noong 1981. Naghahatid ang feeder ng solidong materyal sa inaasahang rate at pangunahing ginagamit sa pagproseso ng plastic. Magagawa nitong pangasiwaan ang iba't-ibang uri ng materyales, kabilang ang pellet, powder at gayundin ang likido. Nakapagpadala na kami ng mahigit 10,000 na mga feeder, at 2,000 sa mga ito ang ipinadala sa ibang bansa.

Mahigit 10,000 Pagsubok sa FTC

Upang mapalagay ang aming mga customer, humihiram kami ng mga materyales mula sa mga customer para sa pagsubok ng pagganap sa aming FTC (Feeder Technical Center). Nagsagawa kami ng mahigit 10,000 pagsubok, kabilang ang isa sa pinakabagong nanopowder na nag-aalok ng pinakamahusay na solusyon sa mga pangangailangan ng aming mga customer. Matatagpuan ang mga FTC at kagamitan sa pagsubok sa Hapon at sa iba pang pitong bansa sa Asya.

Pag-aambag sa Pagpapahusay ng Kalidad ng Mga Plastic na Produkto

Gamit ang aming teknolohiya sa paggawa ng mga rice pellet separator, nagawa namin ang unang plastic pellet separator sa Hapon. Inaalis ng separator ang maliliit na dumi at pinag-uuri-uri ang mga ito ayon sa kulay ng mga ito. Samakatuwid, nag-aambag ang Kubota sa de-kalidad na pagpapahusay ng mga Hapones at mga taga ibang bansang manufacturer ng materyales na gumagawa ng mataas na pagganap na pang-inhinyeriyang plastic, film, atbp.

Lineup

. Ang “NX Feeder Serye” ay ang bagong feeder na bunga ng aming kaalaman sa pangangasiwa ng Materyales sa mahigit 30 taon. Makikita mo ang pinakamahusay na feeder para sa iyong proseso mula sa malawak na mapagpipilian ng mga modelo. At ang lahat ng produkto ay gawa sa Hapon.

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Patuloy na Kontrol ng Diagonal Agitator Structure
    Mas kaunting patindig na paggalaw ng materyales dahil umiikot ang agitator na masyadong malapit sa hopper at nagbibigay ng mas kaunting epekto sa halaga ng timbang. Naisasakatuparan nito ang patuloy na pag-feed.
  • Istraktura ng Anggulo ng Negatibong Pader
    Pagpapahusay sa tungkuling anti-bridging dahil bumaba ang kompresyon ng materyales ng disenyo ng anggulo ng negatibong pader. Nangangasiwa ito ng malawak na mga paggamit ng materyales.
  • Istraktura para sa High Screw Fill ng Materyales
    Paghusay ng screw fill ng materyales dahil itinutulak ng agitator ang materyales sa bahagi ng screw. Kumpara sa aming karaniwang kagamitan, nagagawa nito ang tumpak at hindi nagbabagong daloy ng materyal.
  • Bagong Sistema ng Pagsa-scan Gamit ang Kamera
    Pangunahing pagpapaunlad na nagawa sa paglutas ng error sa pag-detect sa pamamagitan ng pagpapahusay sa panloob na istraktura gaya ng layout ng kamera at pag-iilaw kumpara sa karaniwang sistema.
  • Omni diffusion na sistema ng pag-iilaw at Flat LED na sistema ng pag-iilaw sa likod
    Gumamit ng Omni diffusion na sistema ng pag-iilaw bilang mapagkukunan ng pag-iilaw na panganganinag para sa materyales at Flat LED na sistema ng pag-iilaw sa likod bilang mapagkukunan ng pag-iilaw na transmission. Naisakatuparan ang mataas na katumpakan sa screening sa pamamagitan ng pagpapahusay sa bilang ng error sa pag-detect at pag-aalis ng aninong nagawa sa palibot ng transparent pellet gamit ang iba't-ibang hugis.
  • High-Speed na Rate sa Pagsa-scan
    Paggamit ng mga bagong-gawang makina para sa paggawa ng larawan. Ginagawa nitong posible na ma-detect ang katiting na hindi dapat naroon sa pamamagitan ng pagtataas sa rate ng pag-scan at pagpapahusay ng pag-detect ng resolution ng direksyon ng patindig na daloy.

Paggamit

Planta sa Pagproseso ng Pagkain

Planta sa Plastic Compound

Planta sa Pagproseso ng Film

Pag-alis ng Dumi sa Pagproseso ng Plastic

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop