Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Pangkapaligirang Kagamitan
at Inhinyeriya ng Planta

Mahigit isang siglo nang nakikilahok ang Kubota sa negosyo na may kaugnayan sa tubig at nag-aambag ito sa paglutas ng iba't-ibang isyu na may kinalaman sa tubig sa buong mundo. Inaatasan tayo ng mga aktibidad sa pagprotekta sa kapaligiran na lumalaganap sa daigdig na linisin ang maruming tubig mula sa tahanan at industriya upang mabawasan ang epekto ng mga ito sa kalikasan o muling gamitin ang maruming tubig nang sa gayon ay mabawasan ang mga problema sa kakulangan ng tubig.
Makakapagbigay ang Kubota ng komprehensibong solusyon sa tubig. Nagbibigay kami ng mga kagamitan at kakayahan sa inhinyeriya na pinakanaaangkop sa mga pangangailangan ng mga customer. Tinutugunan namin ang mga pangangailangan ng patuloy na nag-iibang mga sistema sa paglilinis ng tubig, mula sa purification ng tubig, purification ng daluyan ng tubig at paglilinis ng maruming tubig, sa pamamagitan ng paggamit ng aming husay sa membrane solution at iba't-ibang materyales na magagawa namin, at ang aming malawak na karanasan sa engineering ng planta.
Sa ngayon, ginagamit ang aming husay sa labas ng Hapon, lalo na sa Timog-Silangang Asya kung saan nakakakita kami ng mabilis na paglago ng Mga Special Economic Zone. Patuloy na papahusayin ng Kubota ang pagiging eksperto nito at palalawakin ang suporta nito upang malaman ang mga pagpapahusay sa mga isyu sa tubig sa buong mundo.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Upper stream hanggang Downstream

Nag-aalok ang Kubota ng isang bilang ng mga teknolohiya sa paglilinis ng tubig na pagmamay-ari nito gaya ng sistema sa purification ng tubig, paglilinis ng tubig na pang-industriya, sewage treatment at sistema sa daluyan ng tubig. Pinapangalagaan ng Kubota ang upper stream hanggang sa downstream na pagtustos ng tubig gamit ang mga maaasahang produkto at teknolohiya sa inhinyeriya. Kami ay isa sa ilang mga kumpanya sa mundo na sumasaklaw sa lahat ng larangan na ito.

Espesyalista sa Tubig, mula sa EPC hanggang sa Pagpapanatili

May matagal at mayamang karanasan ang Kubota sa mga produkto at serbisyo na may kaugnayan sa tubig. Hindi lang bilang manufacturer ng mga tubo, pump at membrane solution ngunit isa rin kaming kumpanya sa inhinyeriya na may mga naipong karanasan sa loob ng mahigit kalahating siglo. Malawak ang aming mga kakayahan mula sa gawain sa Inhinyeriya, Pagbili at Konstruksyon (EPC) hanggang sa pagpapanatili bilang espesyalista sa mga pasilidad na may kaugnayan sa tubig, at ganap na paggamit sa kahusayan upang lutasin ang mga isyu at pangangailangan ng aming mga customer.

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Tank-Submerged Type Ceramic Filtration System
    Iniaangkop ng sistema na ito ang ceramic membrane, na matibay at hindi naaapektuhan ng mga kimiko. Samakatuwid, ang buhay nito ay mas matagal kaysa sa mga organic membrane at ang mga gastusin sa pagpapalit ay maaaring mabawasan nang malaki. Nagbibigay-daan ang tank-submerged na uring ito sa hybrid na proseso gamit ang tangke para sa parehong pisikal at kemikal na reaksyon.
  • Endless Filter Cloth Travelling na Filter Press
    Maaaring palitan ang tela ng filter sa pamamagitan ng winding device at ng paglalagay ng bagong tela sa makina na kasabay ng pag-aalis ng lumang tela. Lubos na pinapababa ng mekanismong ito ang gawain sa pagpapanatili at human resources. Hindi na rin kinakailangang alisin ang mga natitira sa filter. Ang mahusay na pagganap at ang liit nito ay isa rin sa mga tampok sa filter press na ito.
  • Low head loss na diffuser (K-membrane)
    Naisakatuparan ng sariling materyal ng membrane at natatanging disenyo ng bitas ng Kubota ang mahusay na paglipat ng oksiheno gamit ang low head loss (6kPa). Nagagawang ikabit sa parehong lalim ng mga ceramic diffuser at nababawasan ang konsumo sa enerhiya (bumababa ng 15~20% kumpasa sa karaniwang membrane diffuser). Nagawa lang na palitan ang aeration sheet.

Paggamit

Solusyon sa Tubig ng Kubota.

Planta sa Purification

Wastewater Treatment Plant

Tubig na Pang-industriya/Planta sa Paglilinis ng Maruming Tubig

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop