Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Utility Vehicle

Magagawang umandar ng mga utility vehicle ng Kubota sa mga lubak-lubak na lupa nang walang kahirap-hirap. Ginagamit ang mga ito sa iba't-ibang kapaligiran gaya ng mga sakahan, industriyal na lugar, parke, atbp. upang magsakay ng mga produkto at tao. Dahil binibigyan ang mga ito ng mga consumer ng mataas na rating para sa katangi-tanging pagganap at kalidad, pinaplano naming pataasin ang produksyon ng aming mga utility vehicle at magpakilala ng mga bagong tampok sa hinaharap.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Workhorse

Sa paglipas ng mga taon, kami sa Kubota ay nakabuo ng isang reputasyon ng paggawa ng matitibay na traktor sa buong mundo. Gamit ang teknolohiya sa produksyong dulot ng aming karanasan sa loob ng maraming taon, nakagawa kami ng matibay na UV, na nagsisilbing ‘workhorse’ para sa iba't-ibang uri ng pang-araw-araw na gawain.

Tumutugma sa Pagganap

Dahil idinisenyo at ginawa ng Kubota ang mga pangunahing bahagi, mahusay na gumagana ang bawat bahagi at nagreresulta ito sa pinahusay na pangkalahatang kalidad ng produkto.

Lineup

Tinutugunan namin ang mga pangangailan ng aming mga customer sa pamamagitan ng pagbibigay ng malawak na mapagpipilian ng mga produkto mula sa diesel hanggang sa gas na makina, dalawang pasahero hanggang sa apat na pasahero na maaaring umupo at iba't-ibang modelo ng sasakyan.

  • RTV-X900
  • RTV-X1120D
  • RTV-X1100CR

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Diesel na Makina ng Kubota
    Sa pamamagitan ng aming mga makina na mahusay ang pagganap, naghahatid ang mga sasakyan ng Kubota ng napakahusay na pagganap na kayang makagawa ng anumang uri ng gawain mula sa pagsasakay ng mga pananim na pang-agrikultura hanggang sa paglilipat ng mga materyales sa konstruksyon.
  • Layunin ng VHT
    Nag-aalok ang makabagong VHT-X (Variable Hydraulic Transmission) ng Kubota ng malawak na torque band at malalaking oil cooler na nagpapahusay sa pagganap at tibay nito.
  • Dinamikong Pagpreno
    Nagbibigay-daan ang dinamikong pagpreno ng pinahusay na lakas sa pagpreno at mas mahusay na kontrol sa pagmamaneho.
  • Ibinibigay na Ginhawa ng IRS
    Hindi alintana ang lupa o kargada, tinitiyak ng independent suspension sa lahat ng apat na gulong ang talagang swabeng pagsakay. Nagtatakda ang teknolohiya ng Extra Duty IRS (Independent Rear Suspension) ng Kubota ng bagong pamantayan sa pagiging matibay.
  • Eksklusibong Saradong Cab
    Gamit ang isang saradong cab, maaaring patakbuhin ng mga user ang kagamitan nang kumportable sa anumang uri ng kapaligiran, hindi alintana ang panahon o temperatura.
  • Mahusay na Hydraulics na Sumusuporta sa Mga Kapaki-pakinabang na Tampok
    Sa isang pilantik ng iisang pingga, tataas ang hydraulic-lift na kahon ng kargada at dudulas mula rito ang iyong kargada. Binibigyan ka ng mabilis na tumugong hydrostatic power steering ng kontrol na kailangan mo upang umandar sa anumang klaseng lupa. Maaaring i-adjust ang tilt ng manibela at ito ay nagbibigay-daan sa iyong itakda ang pinakamainam na anggulo para sa iyong estilo ng pagmamaneho.

Paggamit

Ang aming mahuhusay na utility vehicle ay maaaring gamitin sa iba't-ibang kapaligiran.

Trabaho sa Sakahan

Lugar ng Konstruksyon

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop