Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Turf Equipment

Ginagamit ang turf equipment ng Kubota sa buong mundo, pangunahin na sa Hilagang Amerika, Europa at Oceania. Mula sa pantahanan hanggang sa pampropesyunal na paggamit, nakapagtatag na ito ng reputasyon para sa natatanging teknolohiya, mahusay ng pagganap sa pagtatabas at mataas na kalidad. Patuloy na magsusumikap ang Kubota na paunlarin ang bagong turf equipment na malawakang magagamit ng publiko. Samakatuwid, mas makikilala kami ng mas maraming tao sa buong mundo.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Diesel na Makina ng Kubota

Ang Kubota, na nakatuon sa pagmamasid sa mga pamantayan sa paglalabas ng usok, ay gumagawa ng sarili nitong malinis at mahusay na diesel na makina. Habang isinasaalang-alang ang ating kapaligiran, naghahatid kami ng mga makina na may mahusay na pagganap.

Mahusay na Pagganap sa Pagtatabas

Nag-aalok kami ng lahat ng uri ng deck upang matugunan ang iba't-ibang kapaligiran ng user: PRO DECK, Aerodynamic Cutting System, Infinity Deck, Twin Cut at Tri Cut ng Kubota. Papanatilihing maganda ng mga deck ng Kubota ang iyong damuhan sa madaling paraan.

Lineup

Nag-aalok ang Kubota ng isang malawak na linya ng mga kagamitan mula sa pantahanan hanggang sa pampropesyunal na paggamit. Nag-aalok ang Kubota ng malawak na mapagpipilian na mga linya para sa mga indibidwal na consumer, contractor at pampublikong organisasyon. Mayroon ding iba't-ibang panghakot ng damo, kabilang ang high-dump, low-dump, combined, combined zero turn (GZD), atbp., na maaaring ikabit at tanggalin nang madali.

  • Pantahanan na paggamit
  • Pampropesyunal na paggamit

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Ginhawa
    Nagbibigay-daan ang simple at madaling gamitin na control panel at mga hawakan upang maimaneobra mo ang mga kagamitan ng walang kahirap-hirap. Bukod pa rito, nagkabit kami ng mga kumportableng upuan upang mapaginhawa ang iyong pakiramdam sa mahabang oras ng pagtatrabaho.
  • Hydraulic Deck Lift
    Nagbibigay-daan ang makabagong hydraulic deck lift pedal system ng Kubota upang madaling pataasin o pababain ang deck gamit ang mga pedal na nagbibigay-daan sa madaling paggamit at paggalaw nito.
  • Glide Steer
    Pinagsasama ng aming teknolohiya sa Glide Steer ang lakas ng hila ng makina ng isang four-wheel drive na traktor at ang madaling pagmamaneobra ng isang hindi lumilikong mower—ang dalawang pinakamahalagang tampok na hinahanap ng mga customer sa mga traktor para sa hardin.

Paggamit

Naghahatid ang turf equipment ng Kubota ng mahusay na pagganap sa parehong pantahanan at pampropesyunal na paggamit.

Tahanan ng Iisang Pamilya

Komersyal na Gusali

Kaugnay na Produkto

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop