Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Traktor

Simula noong unang inilunsad ng Kubota ang mga traktor sa sakahan nito noong 1960, palaging nangunguna ang mga traktor ng Kubota na “Gawa sa Hapon” sa merkado. Sa kasalukuyan, nag-aalok ang Kubota ng kumpletong mapagpipilian ng mga produkto mula sa mga maliliit hanggang sa malalaking traktor para sa iba't-ibang paggamit at sukat. Bukod pa rito, ang mga kagamitan ng Kubota na nakalagay sa traktor ay idinisenyo sa pag-aararo, pagpapatag at marami pang ibang mga gawain. Nagbigay-daan ang mga mataas na antas ng pagganap at pagiging maaasahan ng Kubota upang magkaroon ito ng matatag na reputasyon sa buong mundo. At ngayon, nagpaplano kaming magpakilala ng mas malalaking traktor, simula sa mga bagong M7 serye upang masaklaw na komersyal na pagsasaka. Habang nagbubukas ng mga bagong posibilidad para sa masaklaw na komersyal na pagsasaka, patuloy na paninindigan ng Kubota ang pangako nito sa pananaliksik at pagpapaunlad sa pamamagitan ng mabuting pakikinig sa mga lokal na pangangailangan. Patuloy na pauunlarin at palalakasin ng Kubota ang sektor ng agrikultura.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Diesel na Makina ng Kubota

Mabilis na tumutugon ang Kubota sa mga mahigpit na regulasyon sa paglalabas ng usok ng bawat bansa at nagbibigay ito ng malilinis at malalakas na makina na nakakatugon sa bawat pamantayang pangkapaligiran. Bukod pa sa pagiging matipid sa gas na naging posible sa pamamagitan ng aming natatanging E-CDIS, naisakatuparan namin ang mahinang pag-vibrate, mahinang ingay at mataas na produksyon sa mga sistemang common rail. Naghahatid ang aming mga traktor na may diesel na makina ng matatag at mahusay na pagganap.

Tumutugma sa Pagganap

Dahil idinisenyo at ginawa ng Kubota ang mga pangunahing bahagi, gumagana ang bawat bahagi sa pinakamahusay na pagganap at nagreresulta ito sa pinahusay na pangkalahatang kalidad ng produkto.

Pagpapaunlad ng Produkto Batay sa Mga Lokal na Pangangailangan

Iba't-iba ang mga pangangailangan ng mga traktor sa bawat merkado. Para sa mga merkado sa Europa, ginagamit ang mga ito para sa pagsasaka at para sa mga bansa namang kagaya ng Hapon, ginagamit ang mga ito sa mga sakahan ng palay. Kilalang-kilala ang Kubota sa buong mundo para sa pagpapaunlad ng mga produkto batay sa mga lokal na pangangailangan.

Lineup

Nag-aalok ang Kubota ng kumpletong linya ng mga traktor. Nangunguna sa husay, pagganap at pagiging compact ang aming mga compact na utility tractor, na ginagamit sa mga pantahanan, pang-agrikultura at pang-industriya na kapaligiran. Pinapanatili ng aming mga traktor na pang-agrikultura ang pagganap at madaling pagmamaneobra ng mga compact na traktor, habang kaya nilang gampanan ang matinding trabaho na kailangan sa mga sakahan.

  • BX series
  • B series
  • L series
  • M series

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Iba't-ibang Transmission
    Mayroon kaming malawak na mapagpipilian ng mga transmission na may iba't-ibang horsepower na nagbibigay-daan sa mas mahusay na pagganap, kabilang ang Mechanical Transmission, HST (Hydro Static Transmission), GST (Glide Shift Transmission), Powershift Transmission, CVT (Continuously Variable Transmission), atbp.
  • Bi-Speed Turn
    Kapag ang anggulo sa pagliko ng mga gulong sa harapan ay lumampas sa humigit-kumulang 35°, pinaiikot ng Bi-Speed Turn ng Kubota ang mga gulong sa harapan nang halos dalawang beses sa bilis ng mga gulong sa likuran. Ito ay nagdudulot ng isang mas swabe at matatag na pagliko na nagbibigay-daan sa traktor na lumiko sa katabing hanay sa unang pagsubok o madaling makapagmaneobra sa buong bakuran at gusali ng bukid para sa mga hayop.
  • Awtomatikong Pahalang na Sistemang Pangkontrol
    Kahit pa magbago ang pagkakapantay-pantay ng lupa o gumewang-gewang ang traktor, iniaakma ng traktor ang sarili nito, sa malambot at basang lupa man ito o naararong lupa na hindi pantay-pantay. Samakatuwid, nagbibigay-daan ito upang makapagtrabaho ka nang husto nang hindi naaapektuhan ng mga kondisyon sa bukid.
  • Cab na May Ergonomic na Disenyo
    Idinisenyo ang makabagong cabin ng traktor ng Kubota para sa pinahusay na kaginhawahan. Ang lahat ng display, lever at kontrol, kabilang ang audio at air conditioning, ay inilagay nang estratehiko sa kanang console o sa palibot ng manibela para mas madaling ma-access at magamit ang mga ito sa pagpapagana.
  • KSAS para sa Precision Farming
    Upang mapahusay at magdagdag ng higit pang halaga sa mga pananim na pang-agrikultura, ginawa ng Kubota ang Kubota Smart Agriculture System (KSAS). Patuloy naming sasaliksikin at isusulong ang precision agriculture sa pamamagitan ng paglalapat ng nalalaman sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon (ICT) sa mga bukid.
  • Higit pang Mga Posibilidad Kasama ang Mga Kagamitan ng Kverneland
    Sa pagpapabuti ng mga kakayahan ng Kverneland Group, na naging buong-buong pagmamay-ari namin na subsidaryo noog 2012, gumagawa ang Kubota ng bagong mga kasangkapan ng traktor para sa masaklaw na pagsasaka. Samakatuwid, mas pinapalawak ang paggamit ng mga traktor ng Kubota upang makapagpaserbisyo sa higit pang mga customer.

Paggamit

Naghahatid ang mga traktor ng Kubota ng pagganap na maraming mapaggagamitan.

Bukid na Basa

Bukid sa Kabundukan

Orchard

Sinasakang Lupain

Hardin

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop