Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Mga Membrane Solution

Nagsimula ang kubota sa negosyo ng membrane noong 1986. Mula 1991, bilang nagpasimula ng merkado sa membrane bioreactor (MBR), aktibo nang ipinalaganap ng Kubota ang paggamit ng Submerged Membrane Unit™ (SMU) ng KUBOTA sa buong mundo.
Kayang linisin ng MBR ang pantahanan at pang-industriya na maruming tubig sa pamamagitan ng pagsasama ng pagkilos ng mga mikroorganismo sa paghihiwalay ng mga solid mula sa likido gamit ang mga membrane. Inaalis ng membrane ang mga lumulutang na solid at patohenong e-coli na bakterya, nang sa gayon ay magamit muli ang effluent na tubig bilang tubig sa pag-flush ng kubeta o tubig sa sprinkler.
Sa kabilang banda, mahirap idisenyo ang pasilidad na MBR para sa iba't-ibang uri ng maruming tubig dahil may iba't-ibang katangian ang bawat maruming tubig. Dahil dito, gumawa ang Kubota ng mataas na antas ng teknolohikal na kapasidad habang pinapayaman rin nito ang bilang ng paggamit at karanasan. Nagreresulta ito sa magandang reputasyon sa purification ng tubig sa buong mundo. Sa ngayon, ang Kubota ay may mahigit 4,900 nang naikabit at hindi mapapantayang karanasan upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng bawat lugar.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Napakahusay na Kalidad ng Effluent na Tubig

Inaalis ng Membrane bioreactor (MBR) hindi lang ang mga lumulutang na solid (suspended solid, SS) ngunit pati na rin ang mga sustansya na hindi madaling malusaw gaya ng sabong panlaba, sa pamamagitan ng paggamit sa mas mahaba nitong Sludge Retention Time (SRT). Nagbibigay-daan ito sa muling pagkakagamit ng nilinis na tubig.

Simpleng Pagpapanatili

Hindi kinakailangan ang pag-ayos ng return sludge rate o mikroskopikong pagmamasid ng mikroorganismo sa Submerged Membrane Unit™ (SMU) ng KUBOTA. Ang kinakailangan lang ay ang pagsusuri ng presyon ng trans-membrane at karaniwang pagsusuri ng kalidad ng tubig at ang dalawang ito ay madali mo lang matututunan. Gamit lang ang karaniwang kaalaman, nasasabi kahit pa ng mga baguhan na madaling paganahin ang SMU.
Gayundin, maaaring palitan isa-isa ang membrane cartridge at hindi madalas ang pagpapalit nito dahil napakatibay nito. Halimbawa, 6% lang ng membrane cartridge ang napalitan sa loob ng 10 taon sa Porlock Wastewater Treatment Plant, ang unang MBR sewage treatment plant sa Europe.

Kapansin-pansing Maliit na Footprint

Ang footprint ng pasilidad na Membrane Bioreactor (MBR) ay masasabing mas maliit kaysa sa pasilidad na Conventional Activated Sludge (CAS).
Dahil gumagana ang Submerged Membrane Unit™ (SMU) ng KUBOTA sa activated sludge sa mas mataas ng konsentrasyon, sadyang maliit lamang ang sukat ng tangke sa aeration. Gayundin, dahil magagawa ng SMU na paghiwalayin ang mga solid sa likido, inaalis nito ang pangangailangan para sa pangalawang tagapaglinis kung saan inaalis ang mga solid sa pamamagitan ng gravitational sedimentation.

Lineup

Nag-aalok ang Kubota ng iba't-ibang laki at kompigurasyon upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng customer.
Epektibong Membrane Area(m2) 20~600

  • ES series
  • Ek series
  • RM series
  • RW series
  • SP series

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Simpleng Proseso
    Ang MBR gamit ang Submerged Membrane Unit™ (SMU) ng KUBOTA ay higit na mas simple kaysa sa Conventional Activated Sludge (CAS). Sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga SMU sa isang tangke sa aeration ng mga dati nang pasilidad na CAS, mas madaling i-retrofit ang dati nang pasilidad na CAS sa isang pasilidad na MBR.
  • Walang Kahirap-hirap na Pagpapagana
    Mayroong Flat Plate na istraktura ang Submerged Membrane Cartridge ng KUBOTA. Pinapanatili ng kompigurasyong ito na malinaw ang espasyo sa pagitan ng mga membrane at pinapababa nito ang pagkakaroon ng basura at harang. Kaya magagawa nitong bawasan ang pangangailangan sa dalas ng kemikal na paglilinis.
  • Madaling Pagpapanatili
    Maaaring linisin ang mga Submerged Membrane Cartridge ng KUBOTA sa mismong lugar gamit ang mga kimiko gaya ng sodium hypochlorite para sa organic fouling o oxalic acid para sa inorganic fouling. Dahil hindi kailangang alisin ang mga Membrane Unit sa tangke ng membrane at hindi na rin kailangang ilagay sa isang hiwalay na tangkeng ginawa para sa kemikal na paglilinis, ang sistemang ito ay nagbibigay-daan sa malaking pagkakatipid ng mga kagamitan.

Paggamit

Ang mga membrane solution ng Kubota ay mga pangunahin sa paglilinis ng maruming tubig.

Wastewater Treatment Plant

Pabrika ng Kendi

Pabrika ng Mga Produktong may Gatas

Pabrika ng Soybean Paste

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop