Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Mga Pump

Mula noong pinasimulan nito ang buong negosyo nito sa pump noong 1952, nagpapaunlad at gumagawa na ang Kubota ng mga pump para sa pagtustos ng tubig, daluyan ng maruming tubig (sewerage), kanal ng tubig-ulan, produksyon ng kuryente at paggawa ng asero.
Malaking papel ang ginagampanan ng mga pump ng Kubota sa ating mga buhay dahil sinusuportahan ng mga ito ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Gumaganap ang mga ito ng aktibong papel mula sa upstream, gaya ng sa planta ng purification ng tubig, hanggang sa downstream, gaya ng planta ng paglilinis ng maruming tubig. Hindi lang gumagawa ang Kubota ng pump bilang produkto, ngunit dahil may sertipikasyon ito ng ISO9001, gumawa rin ang Kubota ng mga planta ng pump sa pamamagitan ng paggamit sa pangkalahatang kakayahan nito sa inhinyeriya.
Pinaunlad na ng Kubota ang negosyo nito sa pump sa loob at labas ng Hapon, kabilang na sa Timog-Silangang Asya at Gitna/Malapit na Silangan. Sa Timog-Silangang Asya, ganap nitong ginagamit ang mga sentro ng produksyon sa Tsina upang patuloy na magbigay ng mga produkto sa kabila ng mabilis na lumalaking pangangailangan sa imprastraktura. Sa kabilang banda, sa Gitna/Malapit na Silangan, nag-aalok ang Kubota ng malawak na mapagpipilian ng mga pump para sa pag-aalis ng asin sa tubig-dagat at mga sewerage plant, mula sa mga intake pump ng tubig-dagat hanggang sa malayuang pump sa paglilipat ng tubig at mga pump na may mataas na presyon para sa reverse osmosis (RO).
Sa ngayon, nilalayon ng Kubota na mas pahusayin pa ang mga serbisyo nito pagkatapos ng pagbenta gaya ng pagpapanatili ng mga pump, bukod pa sa panustos ng mga produkto.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Mataas ng Kalidad, Mataas na Pagganap

Ang mataas na kalidad at mataas ng pagganap ng aming mga pump ay resulta ng husay ng Kubota sa pagsusuri kung saan ang bawat produkto ay sumasailalim sa ilang pagsusuri at pagsubok. Ang mga naturang pagsusuri ay mula sa pagsusuri ng istraktura hanggang sa pagsusuri sa pag-vibrate, pagsusuri sa likido, pagsusuri sa water hammer at pagsusuri sa ingay.
Ang isang halimbawang kaso ng aming husay sa pagsusuri ay ang aming karanasan sa pagtutustos ng low vibration pump para sa intake pump ng Dead Sea sa Jordan. Nilulutas nito ang panganib sa pagkakaroon ng resonance sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsusuri sa pag-vibrate at pagsasagawa ng pagsusuri sa konstruksyon.

Madaling Pagkakabit at Pagpapanatili

Isa sa mga tampok ng mga pump ng Kubota ay ang madaling pagkakabit at pagpapanatili nito. Ang mga naturang produkto gaya ng mga vertical mixed flow pump at vertical shaft volute type mixed flow pump ay magaan at madaling pangasiwaan. Bukod pa rito, idinisenyo ang aming mga pump para sa madali at simpleng pagpapanatili. Ang karamihan ng produkto ay may mga napapalitang piyesa na madaling hanapan ng kapalit o nangangailangan lang ng mga simpleng pag-aayos na nagdudulot ng mas maikling panahon ng pagpapanatili.

Suporta sa Pandaigdigang Network

Laganap ang aming network sa buong mundo at handa kaming suportahan ang aming mga kliyente anumang oras kapag kailangan nila ng tulong sa aming mga produkto. Available ang aming pangkat ng mga inhinyero upang malaman ang pinakamahusay na solusyon para sa iyong mga isyu.

Lineup

Nag-aalok ang Kubota ng malawak na mapagpipilian ng mga mataas na kalidad na pump para sa iba't-ibang paggamit.

  • Vertical Mixed Flow Pump
  • Double Suction Volute Pump
  • Mga Kagamitan sa Pag-aalis ng Asin (Desalination Equipment)
  • Vertical Shaft Volute Type Mixed Flow Pump
  • Submersible Pump
  • Pakete ng Handy Mobile Pump

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Natatanging Solusyon para sa Mga Sakuna
    Naniniwala ang Kubota na ang aming mga pump ay maaasahan kapag may emergency. Samakatuwid, dinagdagan pa ng Kubota ang mga hakbang nito upang pagsamahin ang handy pump sa isang nagsasariling power generator upang makabuo ng isang gumaganang mag-isa na sasakyang drain pump na naililipat ng lugar, ang unang-una sa buong mundo.
    Naghatid ito ng mahusay na pagganap sa Dakilang Lindol ng Silangang Hapon noong 2011, sa maladelubyong pagbaha sa Thailand sa parehong taon at iba pang parehong sitwasyong pang-emergency na nangyari pagkatapos nito.
  • Ang Aming Pinakabagong Pump para sa Pag-aalis ng Asin
    Mayroong lahat ng uri ng pump at energy recovery system na para sa plantang pag-aalis ng asin na RO. Ang pinakamakabagong teknolohiya na batay sa aming matagal nang karanasan ay ginagamit sa aming pinakabagong pump na may mataas na presyon.
    Ang hindi matatawarang husay nito ay nag-aambag sa pagpapababa ng gastusin sa pagpapatakbo. Mayroon itong simple at compact na katawan, kaya nito ang mahaba at patuloy na operasyon, matibay/maaasahan ito at madali itong panatilihin. Ang mga ito ay nagreresulta sa mababang gastusin sa buhay nito. Makakamit ang makabago at hindi matatawarang husay ng mga kabuuang sistema sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga kagamitan bilang isang yunit.

Paggamit

Wastewater Treatment Plant

Planta sa purification

Pagtustos ng tubig na pang-industriya

Planta ng Kuryente

tulong sa sakuna (Pagkontrol sa Baha)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop