Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Makinarya para sa Konstruksyon

Ang makinarya sa konstruksyon ng Kubota, kabilang ang mga maliliit na excavator, wheel loader at compact na track loader ay mayroong magandang reputasyon sa Europa, Hilagang Amerika, Hapon at iba pang mga bansa sa Asya. Partikular dito, kilala ang mga mini excavator dahil sa kanilang mga makabagong tampok at amenity. Hawak ng mga ito ang pinakamalaking bahagi ng merkado sa mundo (Off-Highway Research, 2013). Natutugunan din ng mga ito ang mga pamantayang pangkaligtasan sa Europa, na itinuturing na pinakamahigpit na mga pamantayan sa mundo.
Nagsusumikap ang Kubota na bumuo ng pinakamahusay na framework para sa pandaigdigang produksyon na kaagad na tumutugon sa mga nagbabago-bago pangangailangan. Pinapalago rin namin ang aming negosyo sa industriya ng pangangasiwa ng materyal sa pamamagitan ng paglalabas kamakailan ng CTL at SSL ng Kubota at pagtugon sa malawakang mga pangangailangan ng customer.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Hindi Matatawarang Tibay

Sa 40 taong husay sa paggawa ng mini excavator, idinisenyo namin ang mga produkto na pinagtutuunan ng pansin ang bawat detalye nang sa gayon ay maiwasan ang pagkasira at pagkawasak. Samakatuwid, nakapagtatag ang Kubota ng reputasyon para sa hindi matatawarang tibay para sa mga customer sa buong mundo.

Mahusay na Pagganap

Taglay ng mga mini excavator ng Kubota ang lakas at versatility para matapos ang anumang gawain, kahit pa sa lugar na mahirap bungkalin ang lupa. Sa pagsasama ng pinahusay na pagbubungkal at pagbubuhat na swabe ring imaneho, magagawa ng mga ito ang trabaho nang naaangkop.

Madaling Pagpapanatili

Sadyang pinasimple ng Kubota ang regular na pagpapanatili. Mabilis at madaling suriin ang makina at iba pang mga pangunahing bahagi.

Lineup

Ipinapakilala ang Mini Excavator (8t at mas malalim pa) CTL, SSL at WL: Tumutugon kami sa Mga Pangangailangan ng Bawat Bansa

  • Mini Excavator
  • 8 ton na Excavator
  • Compact na Track Loader
  • Skid Steer Loader
  • Wheel Loader

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Malakas na Makina ng Kubota
    Malakas at maaasahan, ang swabeng umandar na makina ng Kubota ay naghahatid ng mahusay na horsepower at pagganap. Nag-aalok ito ng mahinang antas ng ingay at pag-vibrate pati na rin ang mahusay na pagtitipid sa gasolina.
  • Sistema Laban sa Pagnanakaw
    Ang "mga naka-programang susi" lang ang makakapagpagana sa makina. Kahit ang mga susi ay magkapareho ng hugis, hindi magagawa ng mga ito na paganahin ang makina maliban kung nakaprograma ang mga ito. Sa katunayan, kung may susubok na paganahin ang makina gamit ang isang hindi nakaprogramang susi, gagana ang alarma ng sistema. Patuloy na tutunog ang alarma hanggang sa maipasok ang nakaprogramang susi sa ignition at paganahin nito ang makina.
  • Sistema sa Awtomatikong Pagtigil
    Makatipid ng gasolina sa Awtomatikong Pagtigil ng Kubota. Awtomatiko nitong pinapababa ang RPM ng makina, kapag hindi kinakailangan ang napakabilis na makina. Kapag nasa neutral ang mga pingga na pangkontrol sa loob ng mahigit na apat na segundo, tumitigil ang RPM ng makina. Kapag may ginalaw kang anumang pingga ng pangkontrol, agad na babalik ang RPM ng makina. Ang makabagong tampok na ito ay nagpapahina sa ingay at paglalabas ng usok, habang pinapababa rin ang gastusin sa operasyon.
  • ECO PLUS
    Ginagawang priyoridad ng natatanging ECO PLUS ng Kubota ang pagtitipid ng gasolina at sinusuportahan nito ang kapaligiran. Maaari mong paganahin ang ‘Eco Mode’ sa isang pilantik ng switch para sa pagtitipid ng gasolina kumpara sa ‘Standard Mode.’

Paggamit

Ang mga kagamitan sa konstruksyon ng Kubota sa iba’t-ibang kapaligiran.

Lugar ng Konstruksyon

Lugar ng Gusali

Paghahalaman

Panggugubat

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop