Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Mga Nahuhubog na Tubong Bakal

Ang mga nahuhubog na tubong bakal ay nagsimula pa noong 1890 . Noong mga panahong iyon, may iba't-ibang nakakahawang karamdaman na laganap sa buong Hapon. Ito ang nagtulak kay Gonshiro Kubota, ang aming tagapagtatag, na gawin ang unang mga tubong bakal sa Hapon. Simula noon, isinakatuparan na ng aming mahaba at teknikal na karanasan ang mga nahuhubog na tubong bakal na may mahusay na lakas, tibay at resistensya sa pagkasira. Sa panahon ngayon, ito na ang mga pangunahing bahagi sa imprastraktura ng pagtustos ng tubig.
Ganap na ginagamit ng Kubota ang sarili nitong mga teknolohiya sa pagmomolde na nakabatay sa mahigit isang siglong karanasan sa pag-aalok ng malawak na linya ng mga produkto: mga nahuhubog na tubong bakal ng iba't-ibang nominal na bantod (DN80–DN2,600), mga napakahusay na joint gaya ng mga joint na hindi nasisira ng lindol at mga restrained joint. Ang aming teknolohiya sa Centrifugal na Casting ay ang unang praktikal na ginamit sa buong mundo na humantong sa tagumpay ng paghahatid ng mga nahuhubog na tubong bakal na may mataas na kalidad at masaklaw at sa kanilang tuloy-tuloy na produksyon.
Sa katagalan, na-export ang mga tubong ito sa labas ng Hapon, upang makapag-ambag sa matatag na pagtustos ng tubig. Sa ngayon, nakapag-export na kami ng mga tubong bakal sa mahigit 70 bansa sa mundo. Sa Gitna/Malapit na Silangan, isang pangunahing destinasyon ng mundo para sa mga pinakamahabang siyam na metrong tubo, pinapahalagahan ang mga produkto ng Kubota para sa kalidad at silbi sa trabaho ng mga ito. Sa mabilis na umuunlad na Timog-Silangang Asya, nag-aambag ang Kubota sa pagpapahusay ng imprastraktura sa pamamagitan ng mga ODA na proyekto.
Gayundin, sa pamamagitan ng ganap na paggamit sa karanasan at husay na nakuha sa Hapon, aktibo kaming kumikilos hindi lang bilang tagapagtustos ng mga tubo ngunit pati na rin tagadisenyo ng mga linya ng tubo. Patuloy na mag-aambag ang Kubota sa mas maaasahan at mas mahusay na imprastraktura ng pagtustos ng tubig sa buong mundo.

  • Maaaring magbago ang availability at mga detalye ng produkto ayon sa bansa o rehiyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kubota mula sa Pandaigdigang Network.

Mga Tampok

Nag-uumapaw na Lakas at Tibay

Kilala ang mga nahuhubog na tubo ng Kubota para sa mahusay na lakas at tibay ng mga ito. Ang lakas at kakayahang mahubog ng mga ito ay nagbibigay ng kaligtasan laban sa panloob at panlabas na presyon. Gayundin, ang minoldeng centrifugal na mortar lining at mga enamel at barnis na epoxy resin ay nagdudulot ng katangi-tanging tibay.

Maraming Iba't-Ibang Uri ng Mga Joint at Kapal

Nag-aalok ang Kubota ng malawak na mapagpipilian ng joint at kapal ng mga ito upang matugunan ang iba't-ibang pangangailangan at kondisyon. Salamat sa aming napakaraming format ng joint at iba't-ibang uri ng tubo, kabilang ang mga natatanging produkto tulad ng mga restraint joint at joint na hindi nasisira ng lindol, nagagawa ng Kubota na magplano ng arkitektura ng linya ng tubo na matipid at makatuwiran.

Madaling Pagpapanatili

Mababa ang rate ng aksidente sa aming mga nahuhubog na tubong bakal batay sa bawat lalim ng pagkakabaon at mayroon ding napakakaunting aksidente kapag may lindol. Napakadaling panatilihin ng mga tubo na ito at kahit pa may nangyaring aksidente, madali lang ayusin ang mga ito.

Lineup

Available ang mga nahuhubog na tubong bakal ng Kubota sa iba't-ibang laki para sa iba't-ibang pangangailangan.

  • T-type
  • K-type
  • KUBOLOCK-T
  • KUBOLOCK-K
  • TLH-type

Ang Aming Mga Teknolohiya

  • Mga Tubo ng Tubig na Hindi Nasisira sa Lindol:GENEX
    Tampok na katangian ng mga nahuhubog na tubong bakal na hindi nasisira sa lindol ang kahit pa magkaroon ng lindol, lumalaki o lumiliit ang mga joint sa pagitan ng iba't-ibang tubo at lumilihis ang mga ito sa mga joint. Hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga joint kahit pa malapatan ito ng labis na puwersa, tulad ng sa isang kadena. Ang pagiging epektibo ng mga tubong ito na hindi nasisira sa lindol ay napatunayan sa Dakilang Lindol sa Hanshin (1995) at sa Dakilang Lindol sa Silangang Hapon (2011). Walang naging sira kahit pa lumubog o bumuka ang lupa. Tinatawag na “GENEX” ang pinakabagong modelo nito. Hinango ang pangalan mula sa “the next-generation.” Ito ang susunod na henerasyon ng nahuhubog na tubong bakal na hindi nasisira sa lindol na nagdudulot ng mas mababang gastusin, mas maraming pagpapakabit at mas matagal na buhay. Kasabay nito, nagbibigay din ito ng mahusay na resistensya sa mga lindol.
  • Makabagong Patong Laban sa Pangangalawang
    Upang maisakatuparan ang “mas matagal na buhay sa pagseserbisyo,” gumawa ang Kubota ng natatanging coating na may maraming patong laban sa pangangalawang para sa GENEX. Maaaring tumagal ang teknolohiya sa coating laban sa pangangalawang ng mahigit sa 70 taon at ang mga bahaging bakal ng mahigit sa 30 taon. Ginagawa nitong mas mahigit pa sa 100 taon ang inaasahang buhay ng isang GENEX na tubo.
  • Awtomatikong Konstruksyon at Pagsusuri ayon sa Inobasyon ng Lugar
    Sa kasalukuyan, humaharap ang Hapon sa mga isyu na may kaugnayan sa paggawa ng linya ng tubo ng tubig, gaya ng kakulangan sa manggagawa, problema na nagreresulta mula sa kalagayan ng kalsada at tumatagal na panahon ng konstruksyon dahil sa mga papeles. Upang masolusyonan ang problemang ito, may pinag-aaralang bagong pamamaraan ang Kubota sa pagkakabit ng mga linya ng tubo na gumagamit ng mga teknolohiya at ICT. Ang ganitong teknolohiya ay ang panimula ng Site Wagon.
  • Kahusayan sa Pagkakabit
    Dulot ng mahabang karanasan sa pagkakabit ng nahuhubog na tubo, may iba't-ibang kahusayan sa pagkakabit ang Kubota, gaya ng Pipe-in-Pipe na paraan, DXR na paraan at well casing na paraan. Nag-aambag ang aming paraan ng pagkakabit sa naturang mga aspeto gaya ng kaunting epekto sa trapiko sa kalsada at sa mga residente , mas mababang tyansa ng panganib, mas maikling panahon ng konstruksyon, atbp.
    Pipe-in-Pipe na Paraan ng Pagkakabit
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa produktong ito sa iyong lugar:

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop