Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Agrikultura

  • Ang Iyong Kapanalig para sa Pagsasaka ng Pananim hanggang sa Pagsasaka ng Palay

    Ang Kubota ay isa sa mga ilang kumpanya sa mundo na nagbibigay ng komprehensibong kagamitan para sa “Pagsasaka ng Pananim” at “Pagsasaka ng Palay.&dquo; Sumuporta at patuloy na sumusuporta ang Kubota sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbigay ng mga solusyong pang-agrikultura sa paraan ng mga produkto at serbisyo. Ang aming kasaysayan sa mga makinang pang-agrikultura ay ang kasaysayan ng ebolusyon ng industriya ng agrikultura sa Hapon. At ito ay nakapagpakita na ng matatag na hangarin sa kontribusyon sa pag-unlad at pagpapahusay ng industriya. Pinararating ng Kubota ang dedikasyon na ito sa iba’t - ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong na pahusayin ang industriya ng agrikultura sa lalong mas mataas na antas sa ibang mga bansa. Isa sa mga katangian ng Kubota ay ang aming hands-on na pamamaraan. Matagal na kaming malapitang nakikipagtulungan sa mga magsasaka, contractor at hardinero upang gawin at suportahan ang mga pangangailangan nila sa pamamahala ng kanilang mga sakahan. Ang Kubota, bilang isang “kumpanya ng agrikultura,” at hindi bilang manufacturer ng makina para sa agrikultura, ay patuloy na makikipagtulungan nang malapitan sa kanila upang idisenyo ng maayos ang susunod na yugto ng industriya.

    Pick Up
    M7 — Traktor na may Higit na 130 Horsepower

    Ang aming bagong M7 serye ng traktor ay ang pangunahing modelo para sa masaklaw na pagsasaka ng pananim, na may malakas na makina sa pagitan ng 130 at 170 horsepower. Nilalayon ng Kubota na palawakin ang negosyo ng mga kagamitang pang-agrikultura ng masaklaw na pagsasaka ng pananim sa Europa at Hilagang Amerika kasabay ng pagpapalawak din nito sa Kverneland AS, isang manufacturer ng kagamitan ng traktor mula sa Norway na binili noong Mayo 2013.

  • Espesyalista sa Pagsasaka ng Palay

    Bilang kumpanyang nagmula sa Hapon, kung saan ang pangunahing pagkain ay kanin sa buong kasaysayan nito, ang Kubota ay espesyalista sa industriya ng pagsasaka ng palay. Ang pagiging makabago ng mga teknolohiya sa pagsasaka ng Kubota ay nabubuo sa pakikipagtulungan sa mga magsasaka. Sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga pangangailangan at isyu, hinamon namin ang aming mga sarili nang may masidhing damdamin sa kung ano ang aming magagawa upang mas mapabuti ang buhay ng mga magsasaka. Bilang resulta, sinasakop ng Kubota ang mula sa “pagpupunla,” “pagbubungkal,” “pagtatanim,” “pag-aani,” “pagpapatuyo,” “paggapas,” “paggiling ng bigas,” hanggang sa “pagpreserba” nito. Kahit ang pinakamainam na paraan sa “pagluluto” ay sinaliksik at pinaunlad. Patuloy na ginagawang makabago ng Kubota ang sarili nito bilang propesyunal sa pagsasaka ng palay.

    Pick Up
    “Rice-Robo” para sa Pagluluto ng Kanin

    Mahalaga ang pagtustos ng magandang kalidad na bigas ngunit ang pagtuturo sa mga tao kung paano iluto ito nang masarap ay isa rin sa aming layunin bilang espesyalista sa bigas. Ginawa ng Kubota ang “Rice-Robo,” isang awtomatikong rice cooker para sa komersyal na paggamit na nagbibigay ng mataas na antas ng pagganap. Ginagamit na rin ito sa ibang lugar sa labas ng Hapon, gaya ng Hong Kong, atbp.

  • Pagtingin sa Susunod na Henerasyon sa pamamagitan ng ICT

    Ipinakilala ng Kubota ang ICT (Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon) sa agrikultura. Ang aming makabagong sistema na KSAS (Kubota Smart Agriculture System) na gumagamit ng ICT ay nangongolekta ng datos mula sa makinaryang pang-agrikultura ng Kubota at ginagamit nito ang datos upang suportahan ang pagpapahusay ng pagsasaka ng palay na may mataas na produksyon at magandang kalidad. Nagresulta ang kombinasyon ng mataas na pagganap at teknolohiya sa IT ng Kubota sa makabagong teknolohiya na nagbigay-daan sa pagsasakatuparan ng “masaganang pamamahala sa agrikultura.” Sa kasalukuyan, nakararanas ang Hapon ng pagbaba ng bilang ng mga ipinapanganak na sanggol at pagtanda ng populasyon. Bilang resulta, bumababa rin ang bilang ng mga magsasaka na itinuturing na isang malalang isyu sa industriya ng agrikulturang Hapones. Kung mas mapagkakakitaan at mas mahusay ang sistema ng agrikultura sa tulong ng ganitong teknolohiya, magagawa nating hikayatin ang mas nakababatang henerasyon. Sa tuwina ay ito ang magiging hamon namin sa pagbuo ng pundasyon para sa susunod na henerasyon sa larangan ng agrikultura.

    Pick Up
    Nalalasahan ng Combine ang Palay

    Ang ilang serye ng mga harvester ng Kubota ay may mga sensor upang mas masubaybayan ang dami ng tubig at nilalamang protina sa butil ng palay, na parehong nakakaapekto sa lasa ng bigas. Samakatuwid, sadyang kilala ng mga harvester ang lasa ng bigas. Bukod pa rito, ayon sa nakolekta nilang datos, natutukoy ng combine ng Kubota kung aling bahagi ng lupang sinasaka ang pinakamahusay para sa pagtatanim ng palay.

  • Maaasahang Piyesa, Serbisyo at Pagpapanatili Pagkatapos ng Pagbenta

    Ang Mga Piyesa Pagkatapos ng Pagbenta ay upang pahusayin ang uptime ng mga produkto sa pamamagitan ng pandaigdigang network ng Kubota sa aming mga kustomer. Pinapahalagahan namin ang kasiyahan ng aming mga kustomer sa pagpapataas ng fill rate sa pamamagitan ng pagpapahusay ng imbentaryo ng piyesa ng bawat lokal sa merkado.
    Sinisiguro ng Kubota na mapanatiling tumatakbo ang iyong mga produkto nang may mataas na pagganap, kahusayan at mas mahabang buhay.

    Pick Up
    Tsina — Sumusuporta sa Magandang Paglalakbay ng Contractor

    Sa Tsina, dahil sa malalawak na taniman, tumutulong ang mga contractor sa pag-aani kapag hindi kayang gawin ng mga magsasaka ang lahat ng bagay na nauugnay dito. Naglalakbay ang mga ito mula sa hilaga hanggang sa timog sa tuwing panahon ng anihan, sakay ang combine sa trak ng mga ito. Upang suportahan ang produktibong paglalakbay ng mga contractor, sinusubaybayan sila ng pangkat ng suporta ng Kubota at binibigyan sila ng mga serbisyo kapag nagkakaroon ng mga problema ang mga harvester. Bukod pa rito, minsan, nagbibigay ang Kubota ng payo sa pag-aani at ng mga magandang ruta para sa paglalakbay ng mga ito.

Lineup

Mga Paksa

Nauugnay na Impormasyon

Nakabuo na ang teknolohiya at mga produkto ng Kubota ng solidong reputasyon sa buong mundo. Makikita mo ang Kubota kahit sa alinmang kasuluk-sulukan ng mundo.

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

pagetop