Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Pandaigdigang Pagkakakilanlan ng Kubota

Mga Layunin

Magtrabaho para sa pag-unlad ng lipunan sa pamamagitan ng
paghugot ng lahat ng ating mga kakayahan at kung paano iaalok ang
mga nangungunang produkto at mga teknolohiya.

Itatag ngayon at buksan ang daan para sa kinabukasan,
kasama ang pagnanais na magdala ng kasaganaan sa kompanya at
kasiyahan sa mga empleyado.

Hamunin ang hindi pa kilala nang may pagkamalikhain at katapangan.

Noong 1890, Si Ginoong Gonshiro Kubota, ang nagtatag ng KUBOTA ay nagsimula sa kanyang negosyo na
pagmomolde ng bakal sa edad na 19.
Na nananiwala na: "Kapag nagsumikap ka, makukuha mo ito" at "Huwag matakot sa pagkakamali",
nakapag-ambag siya sa lipunan sa pamamagitan ng kanyang negosyo. Siya ang kauna-unahang naglikha ng bakal
na tubo ng tubig sa Japan, at nang lumaon, ay nagpatupad ng de-makinang agrikultura.
"Para sa kasaganaan ng lipunan, kailangan natin na ilagay ang lahat ng ating lakas sa paglikha."
"Ang ating mga produkto ay hindi lamang teknikal na napakahusay, ngunit kapaki-pakinabang din para sa
kabutihan ng lipunan."
Minana ng Grupong KUBOTA ang mga paniniwala at ang tatlong layunin ng tagapagtatag, na paunlarin kasama
ang mga empleyado at ipagpatuloy ang pagiging palakaibigan sa lipunan at mapagkakatiwalaang kompanya, na
pinalalawak ang negosyo nito sa buong mundo.

Tatak na panayam

"For Earth, For Life" —
Ang Grupong KUBOTA ay nangangako na ipagpapatuloy ang pagsuporta sa masaganang buhay ng mga tao habang piinoprotektahan ang kapaligiran ng magandang mundo na ito.

Misyon

Ang pagkain, tubig at kapaligiran ay pangunahing kailangan ng mga tao.
Ang Grupong KUBOTA ay patuloy na susuporta sa hinaharap ng mundo at
ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-aambag ng mga produkto
na tumutulong sa masagana at patuloy na produksyon ng pagkain,
tutulong sa panustos at pagpapanumbalik ng malinis na tubig at makatutulong
upang lumikha ng maginhawang kapaligiran ng buhay sa pamamagitan
ng de-kalidad na mga produkto, teknolohiya at mga serbisyo.

Ang mundong ito ay maraming problema sa larangan ng pagkain, tubig at kapaligiran, kung saan ay pangunahing
kailangan ng mga tao.
Ang mga problemang iyon ay hindi magkakahiwalay na tema, ngunit nauugnay nang malapit sa isa't isa.
Ang paglago ng populasyon ay may malaking impluwensiya sa pagbabago ng kapaligiran, na nagdadala ng
problema sa mapagkukunan ng tubig at nagdudulot ng kakaunting tustos ng pagkain.
Isinasaalang-alang ng Grupong KUBOTA ang pagkain, tubig at kapaligiran bilang nag-iisang tema at nag-aambag
upang malutas ang mga suliranin sa mga larangan na ito.

PANDAIGDIG NA SILO NG KUBOTA = Ugnayan sa pagitan ng pagkain, tubig at kapaligiran
Ang pagkain, tubig at kapaligiran ay hindi magkakahiwalay na tema, ngunit malapit na nauugnay sa isa't isa.

Nauugnay na Impormasyon

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

Hanapin ang Kubota sa lyong Bansa

pagetop