Gumagamit kami ng mga cookie upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa aming website. Maaari mong i-disable ang mga cookie sa setting ng iyong browser. Kung patuloy mong gagamitin ang site nang hindi binabago ang iyong mga setting, ipagpapalagay namin na gusto mong tanggapin ang lahat ng mga cookie na ginagamit sa site na ito.

Mangyaring sumangguni sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit para sa higit pang mga detalye ukol sa mga cookie. Mga Tuntunin ng Paggamit

Through the following links, you can skip to the menu or to the main text in this page.

Kasaysayan ng Korporasyon

Lumikha ng mga produkto ng iyong buong puso at kaluluwa, at alamin ang kahalagahan ng mga produktong iyon sa wastong mga pakahulugan.

Tagapagtatag ng KUBOTA Group Gonshiro Kubota

Sinimulan ng Kubota ang negosyo nito sa pamamagitan ng paggawa at pagbebenta ng mga produkto na minoldeng metal. Simula noon, nag-alok na kami ng iba't-ibang produkto na nakatutulong sa pagpapahusay ng buhay ng mga tao at lipunan. Magsusumikap kaming pahusayin ang aming mga teknikal na kakayahang natutunan namin sa haba ng aming kasaysayan sa isang mas malawak at mas malalim na paraan. Magsusumikap din kaming palawakin ang aming kakayahan sa negosyo at magbigay pa ng mas malaking kontribusyon sa lipunan.

1890s - 1940s
1890
Itinatag bilang pandayan. Nagsimula sa produksyon ng mga molde para sa mga kasangkapan sa pagtitimbang at pang-araw-araw na kalakal.
1893

Sinimulan ang produksyon sa pagmolde ng mga tubong bakal para sa pinagmumulan ng tubig. Binuksan ang Planta ng Amagasaki noong 1917 at inilipat ang pagawaan.

1897
Pinalitan ang pangalan ng kompanya mula Oide Chuzo-jo (Pandayan ng Oide) sa Kubota Tekko-jo (Gawaan ng Bakal ng Kobuta).
Pinasimulan ang produksyon ng mga kasangkapang pantubig tulad ng mga fire hydrant at mga gate valve.
1922

Sinimulan ang produksyon ng mga makinang de-langis para sa layuning pang agro-industriyal, settanki (pampatipid sa gatong: mga kagamitan sa pagtitipid sa enerhiya na ginagamitan ng basurang gas), at menoldeng bakal na hindi tinatablan ng init.

1930
Pinili ng Ministeryo ng Komersiyo at Industiya ang KUBOTA Oil Engine bilang "Pinaka-mahusay na Produktong Lokal".
1939
Paunang paghahandog sa publiko. Ang paaralang teknikal bokasyonal ay itinatag sa bawat planta.
1947

>Pinaunlad ang tagapaglinang at pinasimulan ang produksyon at bentahan.

1950s
1953

Pinalitan ang pangalan ng korporasyon mula K.K. Kubota Tekko-jo tungo sa Kubota Tekko K.K. Itinatag ang Kubota Kenki K.K. at pinasok ang industriya sa kagamitang konstruksyon.
Sinimulan ang produksyon ng mga de-makinang pala at iba pang mga kagamitang pang-konstruksyon gayundin ang mga makinarya sa kubyerta ng barko.

1955

Nilikha ang sawikain ng korporasyon na, "Mula sa pagtatayo ng bansa hanggang sa paggawa ng bigas".

1957
Sumulong sa arena ng mga kaugnay na materyales sa pabahay. Sinimulan ang produksyon ng "Colorbest" na materyales sa pabahay.
1960s
1960

Ginawa at ibinenta ang kauna-unahang traktor sa bukid ng Hapon.
Tinanggap at kinumpleto ang order para sa ibayong dagat na pinagkukunan ng tubig na proyekto (Phnom Penh) sa unang pagkakataon sa Japan.

1962

Lubusang paglahok sa negosyo sa pagpapaunlad ng kapaligiran.
Sinimulan ang produksyon ng mga traktor sa bukid na palayan.

1963

Sinimulan ang produksyon ng mga vending macine.

1964
Pinasimulan ang produksyon ng pambayang mga planta sa insinerasyon.
1969
Inilunsad ang bagong sawikain ng korporasyon na, "Paglikha ng kapaligirang masagana para sa mga tao".
Sinimulan ang produksyon ng pinagsama-sama.
Nakumpleto ang pinagsamang sistema para sa mekanisasyong pang-agrikultura.
1970s
1972
Buong paglahok sa larangan ng mga insinerador. Itinatag ang Korporasyon ng Kubota Traktor sa EU para sa ganap na pagpasok sa merkado ng traktor ng EU.
1980s
1980

Tumanggap ng order para sa sistemang patubig mula sa estado ng Sharkia, Egypt, at nagtrabaho sa pagtatanim sa disyerto.
Inilunsad ang bagong sawikain, "Pagpapatuloy sa ipinangakong hinaharap sa aming pang-teknolohiyang kakayahan".

1984
Tumanggap ng pangkapaligirang gantimpala mula sa Ahensiyang Pangkapaligiran para sa aming night soil treatment system, "U-tube nitro system".
1986
Sinimulan ang produksyon ng mga elektronikong circuit board, mga hard disc, at mga pamutol na damo na radio-controlled.
1989
Nakilahok sa mga proyekto sa pagtatanim sa disyerto, ang Sahil Greenbelt Plan at ang Green Earth Plan.
1990s
1990

>Ipinagdiwang ang aming ika-100 taon sa negosyo. Binago ang pangalan ng aming kompanya tungo sa Korporasyon ng KUBOTA. Ipinakilala ang bagong simbolo ng kompanya at sistema ng biswal na pagkakakilanlan.
Kasamang ipinakilala ang kagamitan sa fountain at paghihiwalay ng tubig na ALEPH sa Pagtatanghal ng Pandaigdig na Hardin at Halamanan.

1992
Inilunsad ang bagong sawikain na, "Gawin nating mas maganda ang ating tahanan".
Pinasimulan ang pagsisiyasat at pagpapaunlad ng mga plantang insinerasyon na may mataas na kahusayan na pasilidad na pinaaandar ng lakas na mula sa basura. Ang International Environmental Planning Center ay itinatag sa Pakultad ng Inhinyeriya, ang Unibersidad ng Tokyo, na sinuportahan sa pamamagitan ng donasyon mula sa Korporasyon ng KUBOTA.
1993
Ipinahayag ang mga alituntunin ng negosyo ”Pananaw para sa Aming Ikalawang Siglo sa Negosyo” patungo sa ika-21 Siglo.
Ang Kankyo Chosa Center at ang Nikkan Kogyo Shimbun ay naggawad ng Premyo sa Pangkalahatang Director at Pinakamahusay na Premyo sa Ahensya ng Kapaligiran sa aming sistema ng paggamot sa dumi ng tubig na may uring imersyon na organikong lapad na lamad.
1995
Sinimulan ang Sistema sa Pangkapaligirang Awdit para sa proteksyong pangkapaligiran alinsunod sa pamantayan na mas mahigpit sa mga umiiral na batas at regulasyon at patungo sa patuloy na pag-unlad ng kapaligiran.
1999
Ang Aming Underwater Dioxin Decomposition Unit ay nanalo ng Premyong Nekkei sa Pinakamahusay na Produkto/Serbisyo at ang Nikkei Shimbun na Premyo sa Kahusayan.
2000s
2001
Ang lahat ng aming lokal na negosyo ay mayroong sertipiko na ISO 14001.
2002
Ang kabuuang produksyon ay lumampas sa 20 milyong yunit para sa aming pang-industriyang makina.
2005
Ang aming Teshima Illegal Waste Dump Raw Material Recovery System ay nanalo ng Premyo sa Ministro ng Ekonomiya, Kalakalan at Industriya sa Papremyong Pinakamahusay na Kasangkapang Pangkapaligiran. Ang kabuuang produksyon ay lumampas sa 3 milyong yunit para sa aming mga traktor.
2006

Nagpanukala ng “Misyong Pahayag ng Kompanya”, “Mga Tuntunin sa Pamamahala”, “Pribilehiyo para sa Aksyon”, at “Kodigo ng Asal” ng Grupong KUBOTA.
Lumikha ng bagong mga sawikain ng kompanya: ”Pagtatayo ng mga pundasyon (pangunahing sawikain)”, ”Para sa Tubig, Lupa, at mga buhay ng Tao. (pangalawang sawikain)”, at ”Gawin nating mas maganda ang ating tahanan (pangalawang sawikain)”.
Ang aming ”Tagapag-ipon ng putik sa imburnal (belt na uri)” ay nanalo ng Premyo sa Ministro ng Ekonomiya, Kalakalan at Industriya sa Papremyong Pinakamahusay na Kasangkapang Pangkapaligiran.

2010s
2010
Sertipikado bilang "Eco-First Company" ng Ministri sa Kapaligiran ng Japan.
Nagsimula ang produksyon ng mga pinagsamang pang-ani sa Thailand (SIAM KUBOTA Corporation).
Nagtatag ng produksyon ng pambomba at kompanya sa pagbebenta sa China (Anhui Kubota Sanlian Pump)
2011
Ang pinagsamang pang-ani ng Kubota na "PRO688Q" para sa merkado ng China ay nanalo sa Parangal ng Nikkei Business Daily bilang Pinakamataas Parangal sa mga Pinakamataas na Produkto at Serbisyo ng Nikkei noong 2010.
Itinatag ang Pangrehiyong Punong Tanggapan sa China.
Nagsimula ang operasyon ng Sistema sa Sertipikasyon ng mga Produktong Eco.
Nakumpleto ang planta ng produktong cast na bakal sa Saudi Arabia (Kubota Saudi Arabia Company).
Nakumpleto ang planta ng makinarya para sa konstruksiyon sa China (Kubota Construction Machinery (Wuxi)).
Itinatag ang kompanya na dalubhasa sa pag-angkat, paggiling, at pagbebenta ng Bigas ng Hapon sa Hong Kong (Kubota Rice Industry(H.K.)CO., Ltd.)
2012

Kinuha at binago ang Kverneland AS, bilang subsidiyarya.
Itinatag ang planta sa produksyon ng makina sa China (Kubota Engine (WUXI) Co.,Ltd.)

Itinatag ang "Pagkakakilanlan ng Kubota," ang pandaigdig na mga prinsipyo ng kompanya, at nagpatupad ng bagong logo na pahayag ng tatak.

Itinatag ang "Pagkakakilanlan ng Kubota," ang pandaigdig na mga prinsipyo ng kompanya, at nagpatupad ng bagong logo na pahayag ng tatak.

2013
Itinatag ang kompanya sa pagkuha ng mga piyesa sa Thailand
Itinatag ang planta ng produksyon para sa mga compact na traktor sa U.S.
Itinatag ang kompanya na dalubhasa sa pag-angkat, paggiling, at pagbebenta ng Bigas ng Hapon sa Singapore (Kubota Rice Industry (Singapore) PTE Ltd.)
2014

Itinatag ang kompanya sa paggawa ng traktor para sa pagbubukid ng mataas na lupa sa France (Kubota Farm Machinery Europe S.A.S.)

Nauugnay na Impormasyon

Pinapahalagahan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng Kubota ang hands-on na pamamaraan. Hinahamon at kinakamit namin bilang eksperto sa agrikultura at patubig ang hinaharap para sa pagkain, patubig at kapaligiran, at kung sa gayon ay isinasakatuparan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer.

Hanapin ang Kubota sa lyong Bansa

pagetop